Pres. Marcos Jr., nakipagpulong sa matataas na opisyales ng United States Indo-Pacific Command

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasado alas-9 ng umaga sa Hawaii, at pasado alas-3 ng hapon naman sa Maynila, dumating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United States Indo-Pacific Command.

Ang Pangulo ay sinalubong ng matataas na opisyal nito sa pangunguna ni Commander Admiral John Aquilino.

Bukod kay Pangulong Marcos ay ilang kasama din sa delegasyon sa pagbisita sa Indo-Pacific Command ang kabilang na nagtungo sa pinakamatanda at pinakamalaking combatant command ng Estados Unidos ng Amerika.

Kabilang dito sina National Security Adviser Eduardo Año, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, Philippine Ambassador to US Jose Romualdez, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Romeo Brawner, at si First Lady Louise Araneta-Marcos.

Ang United States Indo-Pacific Command ay may higit sa 380,000 kawani, kasama ang mga sundalo, marinero, marine, airmen, guardians, coast guardsmen, at mga civilian ng Department of Defense.

Ang Command ang namamahala sa lahat ng mga aktibidad ng militar ng USA sa rehiyon ng Indo-Pacific, kabilang ang 36 na bansa, 14 na time zone, at higit sa 50 porsyento ng pandaigdigang populasyon. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us