Bilang ng mga nasawi dahil sa malakas na lindol sa Davao Occidental nitong Biyernes, umakyat na sa siyam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng update ang Office of Civil Defense (OCD) patungkol sa pinsalang iniwan ng malakas na lindol na tumama sa Saranggani, Davao Occidental nitong Biyernes.

Sa plenary deliberations sa panukalang 2024 budget ng Department of National Defense, binahagi ng nagdepensa sa kanilang pondo na si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sa ngayon ay siyam na ang naitatalang patay sa naturang lindol.

Base rin sa opisyal na datos ng OCD, nasa 15 ang sugatan dahil sa lindol habang aabot na sa 43 barangay, 2,489 na pamilya at 12,885 na indibiwal ang naapektuhan ng malakas na lindol.

Nakapagtala na rin ang ahensya ng 826 na bahay at 118 na imprastraktura na nasira sa Davao City, Davao Occidental, South Cotabato, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro at Saranggani.

Binahagi rin ni Dela Rosa na wala namang malawakang evacuation na nangyari at ang ilan sa mga residenteng nasiraan ng bahay ay pansamantala munang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak.

Pagdating naman sa estimate cost of damage, ang naitatala pa lang ng OCD ay ang P152 million na halaga ng pinsala sa mga paaralan sa apektadong lugar habang ang halaga naman ng pinsala sa road networks doon ay patuloy pang ina-assess ng DPWH.

Tiniyak rin ni Dela Rosa na walang nasaktan sa pagkasira ng isang tulay doon dahil sa lindol.

May pondo na rin aniyang nakalaan para dito dahil naka-schedule na talaga ang tulay na ito para sa replacement sa susunod na taon.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us