Nanindigan na si Vice President Sara Duterte na nananatili pa rin ang tiwala at kumpiyansa sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang inihayag ng Pangalawang Pangulo sa gitna na rin ng balitang impeachment o pagpapatalsik sa kaniya.
Sa kaniyang pagbisita sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw, sinabi ni VP Sara na nag-usap na sila ni Pangulong Marcos Jr. bago ito tumulak patungong Estados Unidos.
Ayon kay VP Sara, tinanong na niya sa Pangulo ang usapin at sinagot siya ng Pangulo na batid na nito kung saan nagmula ang usapin
Magugunitang itinalaga ni Pangulong Marcos si VP Sara bilang caretaker ng bansa habang wala ang punong ehekutibo. | ulat ni Jaymark Dagala