Ilang kumpanya ng langis, may rollback sa produktong petrolyo bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good news para sa mga motorista, dahil naglabas na ng pinal na presyo ang mga kumpanya ng langis para sa malawakang rollback sa mga produktong petrolyo bukas.

Simula bukas ng alas-6 ng umaga ipapatupad ng mga kumpanyang Pilipinas Shell, Sea Oil ang bawas na P0.75 sa kada litro ng gasolina habang P0.60 naman sa kada litro ng kerosene, at P0.65 naman sa kada litro ng diesel.

Habang ang kumpanya naman ng Clean Fuel ay ipapatupad ang kaparehong halaga mamayang alas-12:01 ng hating gabi.

Ang bawas presyo ay bunsod pa rin ng pabago-bagong presyo nito sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us