Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang katimugang bahagi ng Samar.
Namonitor ng Phivolcs ang lindol bandang 12:57 PM.
Natunton ang episentro ng lindol 16km timog silangan ng Calbiga, Samar.
May lalim itong 77 km at tectonic ang dahilan
Naramdaman ang Intensity IV sa Palo, Leyte.
Habang Instrumental Intensity V sa Catbalogan City, Samar.
Wala namang naitalang pinsala pero asahan ang aftershocks dahil sa pagyanig.| ulat ni Diane Lear