QC LGU, tuluy-tuloy sa paghahatid ng libreng sakay sa mga pasaherong apektado ng tatlong araw na tigil-pasada ng grupong PISTON

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pag-alalay ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City sa mga pasaherong maapektuhan ng ikinasang tatlong araw na tigil-pasada ng grupong PISTON.

Kaugnay nito ay nag-deploy ang QC LGU halos 100 mga bus upang alalayan ang mga maaapektuhang pasahero.

Ito ay naka-puwesto sa harapan ng National Housing Authority na command post ng Traffic and Transport Management Department.

Nagpakalat din ng traffic enforcers ang LGU upang gabayan ang mga motorista at pasahero na apektado ng transport strike.

Nakahanda rin ang labing dalawang e-trikes mula sa Department of Public Order and Safety habang handa din na magdagdag ng pampublikong sasakyan sakaling kailanganin para sa mga stranded na biyahero.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us