P1,000 na pang-maintenance kada buwan ng mga senior citizen, ipinapanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng ilang mambabatas sa Kamara na mabigyan ng buwanang P1,000 ang mga senior citizen pambili ng kanilang pangangailangang medikal.

Sa ilalim ng House Bill 9569 na inihain ng ACT-CIS party-list representatives sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, tinukoy ng mga mambabatas ang suliranin na kinakaharap ng mga nakatatanda, lalo na ang mga may malubhang karamdaman o pangmatagalang kondisyon sa kalusugan.

“It acknowledges the fundamental importance of preserving and enhancing the health and well-being of senior citizens in our society,” ani Tulfo.

Ani Tulfo, malaking hamon ngayon para sa mga nakatatanda na masuportahan ang kanilang mga panggamot lalo na ang maintenance medicines dahil sa problemang pinansyal.

Kaya naman sa pamamagitan ng panukalang ito, umaasa si Tulfo na maibsan ang kanilang gastusin.

“By offering a monthly stipend of Php 1,000.00 for maintenance medications, this bill is designed to improve the quality of life of our senior citizens and ease the financial constraints they encounter, making it more feasible for them to access the medications they require. It acknowledges that managing chronic diseases should not be compromised due to economic limitations,” saad sa panukalang batas.

Para makakuha ng naturang financial assistance, kailangang magsumite ang senior citizen ng application sa DOH o sa designated agency, kalakip ang prescription ng kanilang maintenance medication na iniriseta ng licensed medical practitioner sa nakalipas na anim na buwan mula sa petsa ng application.

Oras na aprubahan, sila ay bibigyan ng Medication Support Card na magagamit sa pagbili nila ng gamot sa mga botika.

Ang DOH at DSWD ang naatasan na magpatupad ng tulong.

Ang mga mahuhuling nameke o mang aabuso sa naturang monthly maintenance medication support ay mapapatawan ng angkop na parusa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us