Patuloy na nakakapagtala ang Phivolcs ng aftershocks sa ilang bahagi ng Davao Occidental kasunod ng tumamang magnitude 6.8 na lindol doon.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS hanggang kaninang 3:00 PM, mayroon nang 106 na aftershocks ang naitala.
Mula rito, 63 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon, habang limang may kalakasan pagyanig ang naramdaman ng mga residente.
Ang mga naitalang lindol ay mula magnitude 1.4 – 4.3 na naitala sa kanilang reference station sa General Santos.| ulat ni Diane Lear