DOTr, umapela sa mga transport group na pag-usapan ang mga hinanaing sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na hinihikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga transport group na makipag-usap sa ahensya kaugnay sa kanilang mga hinaing sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista bukas ang linya ng kanilang komunikasyon sa pakikipag-usap sa mga transport group.

Kasunod ito ng isinagawang unang araw na tigil-pasada ng grupong PISTON.

Ayon kay Bautista, naniniwala siyang kayang maresolba ang mga isyu sa pamamagitan ng tapat na paguusap.

Sinabi rin ng kalihim na sinubukan niyang makipag-usap kay PISTON President Mody Floranda upang maitama ang mga maling paniniwala sa PUV Modernization gaya ng pag-phase out sa traditional jeepney at ang pwersahang pagbili ng mga unit na nagkakahalaga ng P2 miyon.

Sa ilalim ng PUV modernization program, kinakailangan na magsama-sama ang mga tsuper at operator sa isang kooperatiba o korporasyon. Ang kooperatiba naman ay makakapag-avail ng financial assistance bukod pa yung tulong ng pamahalaan para i-upgrade o i-modernize ang kanilang mga unit.

Samantala, sinabi ni LTFRB chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na hindi naman naparalisa ang transportasyon sa Metro Manila ngayong araw sa kabilng ng ikinasang tigil-pasada ng grupong PISTON.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us