Philippine Army Shooting Contingent, sumabak sa ASEAN Shooting Competition sa Thailand

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumabak ang Philippine Army Shooting Contingent (PASCON) sa 31st Association of Southeast Asian Nations Armies Rifle Meet (AARM) sa Infantry Training Center, Fort Thanarat, Pran Buri District, Prachuap Khiri Khan, Thailand.

Ang Opening Ceremony kahapon ay dinaluhan ni Philippine Army Vice Commander Brigadier General Leodevic Guinid kasama ang mga miymebro ng PASCON.

Binati ni Brig. Gen. Guinid ang mga miyembro ng PASCON para sa kanilang tagumpay at binigyan ng inspirasyon para ibuhos ang kanilang galing sa kumpetisyon bilang mga representante ng Philippine Army.

Si Colonel William Victorino Upano ang Commander ng PASCON, na makikipagpaligsahan sa limang kategorya: rifle, carbine, machine gun, pistol men, at pistol ladies.

Ang 31st AARM 2023 na may temang “Armies collaboration to reinforce ASEAN Centrality” ay nilahukan ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PASCON 2023

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us