Pinaghahanda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng maraming skilled workers na makakatulong ng gobyerno sa pagtatayo ng “Pabahay para sa pamilyag pilipino program.”
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, kailangan ang suporta ng TESDA lalo na ang nasa regional offices upang makalikha ng maraming manggagawa na may kaugnayan sa construction industry.
Sa ngayon marami na ang naisagawang groundbreaking sa iba’t ibang panig ng bansa tulad sa Metro Manila, Region 5, at Region 7, habang 81 memorandum of understanding na ang napirmahan sa pagitan ng LGUs.
Target maitayo ang anim na milyong housing unit bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. | ulat ni Don King Zarate
?: PNA