Ilang jeepney driver sa Anonas, bibiyahe muna saglit bago gumarahe ngayong ikalawang araw ng transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mamamasada muna ulit ang ilang jeepney driver sa Anonas, Quezon City para may pambili ng pagkain bago makiisa sa ikalawang araw ng transport strike ng PISTON.

Ayon sa jeepney driver na si Mang Joel, ganito rin ang naging sistema nila kahapon kung saan pumasada lang sila ng dalawa hanggang tatlong ikot bago gumarahe bilang pakikisama sa strike.

Katumbas lang ito ng nasa ₱200-₱400 na kita na malayo sa kadalasang kinikita nila sa arawang biyahe.

Bagamat maliit lang ang kita, itinuturing ito ni Mang Rasol na sakripisyo nilang mga tsuper para mapakinggan ang kanilang hinaing sa PUV Modernization Program.

Una nang nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang ibinigay na palugit ng pamahalaan na December 31 ay hindi para sa pagpapalit ng pampublikong sasakyan kundi para sa pagsasama-sama ng mga tsuper o operator sa iisang kooperatiba o korporasyon o Industry Consolidation.

Ayon pa kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, walang driver o operator ang mawawalan ng pangkabuhayan dahil hindi sapilitan ang pag modernize ng yunit.

“Isa lang po ang ating prayoridad ang kaligtasan ng ating mga commuters, kaya kung ang jeepneys po ninyo ay roadworthy kasama po namin kayo sa PUV Modenization Program,” paliwanag ni LTFRB Chair Guadiz. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us