Ipinag-utos ng Joint House Committee on Public Accounts at Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang Show Cause Order laban sa mga inimbitahang mga resource person na bigong humarap sa pagdinig ng joint hearing.
Ayon kay Public Account Committee Chair Stephen Paduano, kailangang magpaliwang ng dating Cagayan Provincial officers at ang executives ng Bombo Radyo.
Ito na ang pang-pitong committee hearing ukol sa umano’y vote buying at aid distribution noong May 2022 Elections.
Kwinestyon din ng komite si Cagayan Provincial Police Director Julio Gorospe na bigong i-serve ang subpoena sa dalawang dating provincial officials.
Babala ni Chair Paduano, kung bigo pa rin na isilibi ang subpoena ay i-cite nila ng Contempt si Gorospe at ang Cagayan Police officers dahil sa kanilang continued failure at undue interference.
Inatasan din ni Paduano ang Committee secretariat na kumuha ng kopya ng lahat ng kontrata at resibo sa pagitan ng Provincial government at ng Bombo Radyo.
Inatasan din ng joint committee ang Commission on Audit na magsagawa ng audit investigation sa transaction na ipinasok ng provincinal government sa local radio station. | ulat ni Melany Valdoz Reyes