Nabawasan pa ang bilang ng mga Pilipino na nagsabing hirap ang kanilang pamumuhay.
Ito ang inilabas na datos ng OCTA Research sa kanilang 3rd Quarter Survey, na ginawa mula September 30 hanggang October 4 ng taong ito.
Sa nasabing survey, bumaba sa 46% mula sa dating 50% ang poverty line ng Pilipinas.
Nasa 13% ang mga Pilipino na nagsabing hindi sila mahirap habang 40% ang nasa middle class.
Sa Balance Luzon, nakapagtala ang OCTA Research na nagsabing hindi sila mahirap, 43% ang Middle class at 37% ang nasa Poverty Line.
Ang National Capital Region (NCR) naman, mayroong 17% ang nagsabing hindi sila mahirap, 42% ang nasa middle class, at 41% ang nasa Poverty line.
Sa Visayas, 4% ang nagsabing hindi sila mahirap, 37% ang middle class, at 59% ang poverty line.
Sa Mindanao, 6% ang nagsabing hindi sila nakaranas ng kahirapan, 36% ang middle class, at 59% ang nasa poverty line. | ulat ni Michael Rogas