DND, isinusulong na huwag nang imandato ang mga bagong pasok sa militar na mag-contribute para sa kanilang pensyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro, hindi na dapat isali ang new entrants o bagong pasok sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ipinapanukalang mandatory contribution ng mga military and uniformed personnel (MUP).

Ang posisyong ito ni Teodoro ay ibinahagi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa naging interpellation sa panukalang 2024 budget ng DND.

Ipinaliwanag ni dela Rosa, sa pananaw ng DND ay may sapat ng assets at mga lupa ang AFP para mapondohan ang retirement ng mga bagong pasok, aktibo at retiradong miyembro ng hanay ng militar.

Iminungkahi naman ni Senador Christopher ‘Bong’ Go kung maaaring maisama na rin sa exemption ang miyembro ng uniformed agencies gaya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at iba.

Gayunpaman, sinabi ni dela Rosa na hindi na ito kakayanin ng resources ng AFP.

Isa ang pagsasaayos ng pension system ng MUP sa mga unang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Teodoro nang italaga ito sa pwesto.

Sa Kamara, naaprubahan na ang MUP Pension System Reform bill sa ikatlo at huling pagbasa, samantalang hinihintay pa ang magiging pinal na bersyon ng Senado ng panukalang ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us