Confidential fund ng DICT, nirealign ng Senate Finance Committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ni-realign o nilipat ng Senate Committee on Finance ang P300-million na confidential fund ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa naging budget deliberation ng Senado, sinabi ng sponsor ng DICT budget na si Senadora Grace Poe na nakahanap ng paraan ang Senado na maibigay pa rin ang pangangailangan ng DICT at magampanan ang kanilang trabaho nang walang confidential fund.

Ayon kay Poe, kinonvert nila ang P280-million mula sa orihinal na confidential fund ng ahensya patungo sa kanilang line-item funds habang ang P20-million naman ay tuluyan nang inalis.

Idinagdag pa ng senadora na sa pamamagitan nito ay mao-audit na ng Commission on Audit (COA) ang mga bibilhin ng DICT.

Kabilang sa pinaglaanan na mga programa ng DICT mula sa inilipat na pondo ay ang National Computer Emergency Response Team; National Security Operations Center; Extended Detection and Response para sa advanced anti-virus systems na may pondong P79.7-million; at manpower at specialized equipment sa NSOC.

Dagdag pa rito ang mga tools at software para sa pagsuri ng vulnerabilities ng mga government websites at systems; at Mobile Security Operation Center (MSOC) para sa portable hardware at software. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us