DMW at US Labor Department, nagpulong upang paigtingin ang pagtutulungan sa sektor ng trabaho

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) at US Labor Department upang talakayin ang pagpapaigting sa pagtutulungan sa sektor ng trabaho.

Sa kaniyang official visit, nakipagpulong si DMW Undersecretary Patricia Caunan kay Wage and Hour Division District Director Kimchi Bui sa Los Angeles, California.

Ayon kay Caunan, naging produktibo ang kaniyang pulong sa US Labor official at nangako aniya itong susuportahan ang DMW sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO) sa LA upang tugunan ang mga hamon sa empleyo sa mga overseas Filipino worker na nasa US West Coast.

Samantala, sinabi ni Labor Attaché Macy Monique Maglanque na pinuno ng MWO sa LA sa US-DOL na may ilang Pilipinong medical technologists at nurses ang nakararanas ng wage issue sa kanilang mga employer at staffing agency na hindi ibinibigay ang tamang pasahod kapag sila ay inilIpat ng ibang state.

Kaugnay nito, nagkasundo ang mga opisyal ng DMW at US-DOL na magsagawa ng labor education programs para sa mga OFW. Bukas din ang dalawang ahensya na lumagda sa isang labor cooperation agreement para sa pagpapaigting ng pagtutulungan ng dalawang ahensya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us