Philippine Red Cross, nangakong ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga komunidad na napinsala ng Bagyong Yolanda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sampung taon makalipas ang paghagupit ng Bagyong Yolanda, nangako ang Philippine Red Cross (PRC) na ipagpapatuloy nito ang pagtulong sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Ayon kay PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, patuloy ang paghahatid ng mga intervention program ng PRC sa mga lugar na naapektuhan ng naturang bagyo.

Kaugnay nito ay nagtayo ang PRC at mga partner organization nito ng mahigit 6,000 bahay para sa mga nawalang ng tirahan sa Antique, nagbigay livelhood at training pati na cash assistance sa mahigit 5,000 pamilya.

Tumulong din ang PRC sa pagtatayo ng mga paaralan at health facility sa nasabing lalawigan.

Tiniyak naman ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon na makikipagtulungan sa ibang humanitarian organizations upang makapaghatid ng mga tulong sa mga komunidad na nasalanta ng mga kalamidad.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us