54% ng mga Pilipino, nagsusuot pa rin ng face masks tuwing lalabas — SWS survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking porsyento pa rin ng mga Pilipino ang nagsusuot ng face masks kapag lumalabas ng bahay, ayon sa Social Weather Station.

Sa pinakahuling SWS Survey, bagamat 91% ng mga Pilipino ang pabor na sa voluntary na pagsusuot ng face masks, 54% pa rin ang nagsabing lagi pa rin silang nagsusuot nito tuwing lumalabas ng bahay.

Nasa 15% naman ang nagsabing minsan na lang magsuot ng face masks, habang may 1% ang hindi na nagsusuot ng face masks.

Samantala, apat sa bawat limang household na may anak na nasa face-to-face classes ang nagsabing pinagsusuot pa rin ng face masks ang mga anak kapag pumapasok sa eskwela.

Kaugnay nito ay marami pa ring mga commuter sa Quezon City Hall ang nagsusuot ng face masks.

Ayon kay Cristine na isang call center agent, nais pa rin niyang makasiguro na magiging ligtas kontra COVID-19.

Si Mang Rene naman at si Joel ay lagi ring may bitbit na face masks bagamat depende na lang sa lugar kung magsusuot pa nito.

Habang may ilan na sanay nang walang face masks. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us