Opisyal na ginanap ang Closing Ceremony sa “Partuat ti Kailokuan” Trade Fair ng DTI Ilocos Norte sa Robinsons Mall sa bayan ng San Nicolas.
Ayon kay DTI Provincial Director Amelia Galvez, kahit opisyal nang nagtapos ang trade fair at ipagpapatuloy nila ang pagbebenta hanggang 10pm mamayang gabi o pagsara ng mall hours ngayong araw.
Aniya, umabot sa 200% o mahigit dalawang milyong piso ang initial sales ng 98 Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa naturang aktibidad.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag