DOH, pinag-iingat ang publiko sa DOH Health News-Philippines Facebook Page

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa isang Facebook Page na tila ginagaya ang account ng ahensya at nagbibigay ng mga anunsiyo. 

Sabi ng DOH, hindi konektado sa kanila ang DOH Health News-Philippines Facebook Page kung saan ginagamit pa ang kanilang logo. 

Ang ilang larawan ng DOH ay kinukuha din ng nasabing FB Page ng walang pahintu,lot mula sa kanila. 

Tinukoy ng ahensya, na tanging ang Department of Health ang kanilang Official Facebook Page at Twitter account at wala ng iba pa. 

Sa naturang FB account at Twitter account lamang daw sila maglalabas ng mga anunsyo, babala at mga aktibidad. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us