Nagpahayag ng pakikiisa si Lanao del Sur Rep. Zia ALonto Adiong sa naging panawagan ni Deputy Minority Leader France Castro na magkaroon ng position ang Pilpinas sa nagaganap ngayong kaguluhan gitnang silangan.
Nagpasalamat ito sa mga kapwa mambabatas sa kanilang pakikiisa sa kanyang panawagan na ceasefire sa Gaza.
Sa privilege speech ni Congresswoman Castro, sinabi nito na dapat magkaroon ng posisyon ang bansa para makadagdag sa international pressure for ceasefire upang bigyang daan na makapasok ang humanitarian aid.
Sa ngayon kasi, dahil sa nagaganap na tension sa pagitan ng Israel at Hamas, ang mga inosenteng sibilyan ang namamatay at nasusugatan, partikular dito ang mga kabataan.
Sa ngayon nasa 70 -thousand indibidwal na ang naitalang internally displaced persons (IDPs).| ulat ni Melany V. Reyes