Mga produktong lokal ng Masbate, tampok sa trade fair sa Mainland Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal na binuksan nitong Nobyembre 22 ang trade fair sa mainland Bicol kung saan tampok ang mga produktong lokal ng Masbate.

Ang ‘Orawa san Masbate’ Trade Fair 2023 na matatagpuan sa Ayala Malls Legazpi City, Albay hanggang sa ika-26 ng Nobyembre.

Pinangunahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) Masbate Provincial Office, sa pakikipagtulungan sa Filminera Resources Corporation at Phil. Gold Processing and Refining Corp.

Aabot naman sa nasa 30 micro-entrepreneurs mula sa Masbate ang kalahok sa nasabing trade fair, dala ang kanilang mga ipinagmamalaking produkto partikular na ang Carmelado, Beef Tapa, Daing, Handcrafted Leather Treasures, Souvenirs at marami pang iba.

Ito na ang ikalawang pagbubukas ng ‘Orawa san Masbate’ Trade Fair, na may layuning maiparanas sa mga nasa mainland Bicol ang kultura sa islang probinsiya ng Masbate.

Ang tema nito ngayong taon ay “Magkaurusad para sa Masbateñong Mauswag” na ang ibig sabihin ay magkaisa para sa Masbateñong maunlad. | ulat ni Jann Tatad | RP1 Virac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us