Inanunsiyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na natanggap na nila ang mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Ito ay para sa pagtatayo ng kanilang subsidiary na Movem Electric Incorporated, na nakatutok naman sa paggawa, maintenance, at pagbebenta ng mga electronic vehicle.
Ayon sa MERALCO, bukod dito ay maaari rin silang mag-import at export ng spare parts para sa mga e-vehicle na accessible para sa lahat.
Sa pamamagitan ng Movem Electric Incorporated, tiniyak ng MERALCO na makasusunod na ito sa mga rekesitos ng pamahalaan para sa isang ligtas at makakalikasang uri ng transportasyon.
Una nang isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang eco-friendly na transportasyon, na siyang makatutugon sa laban ng Pilipinas sa epekto ng climate change. | ulat ni Jaymark Dagala