DILG Sec. Abalos sa local chief executives: ‘Wag mawawala tuwing may kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ngayon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga local chief executives na siguruhing hindi sila “missing in action” tuwing may tumatamang kalamidad o emergency situations sa kanilang nasasakupan.

Kasunod ito ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Tacloban City upang alamin ang lagay ng mga lalawigang naapektuhan ng mga pagbahang dulot ng shear line.

Nakasama rito ng Pangulo ang ilang miyembro ng gabinete kasama sina DILC Secretary Abalos, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.

Ayon kay Secretary Abalos, mahalaga ang pisikal na presensya ng local executives sa mga ganitong pagkakataon lalo’t sila ang inaasahang magpapatupad ng disaster response measures sa kanilang mga lokalidad.

Nakasaad din aniya sa DILG’s Operation Listo Manual, na dapat present ang LCEs bago pa tumama ang kalamidad, habang umiiral ito at sa pangangasiwa sa pagbibigay tulong matapos ang anumang disaster.

“Sundin po natin ito upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” ani Abalos. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us