“Tribute to soldiers” inilunsad ng DND, AFP at Manila Times

Facebook
Twitter
LinkedIn
Photo courtesy of Department of National Defense

Lumagda si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. at The Manila Times (TMT) Chairperson Emeritus Dante Ang sa isang Manifesto of Support para sa pagtatatag ng “Tribute to Soldiers” awarding Ceremony.

Dito ay pararangalan ang 10 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at isang military unit sa kanilang katangi-tanging gawain sa nakalipas na taon.

Ang parangal ay may apat na kategorya na kinabibilangan ng: contribution sa combat zone; outstanding community service; innovations in administrative and logistics functions; at achievement in education.

Bibigyan din ng espesyal na pagkilala ang mga natatanging military personnel na nagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).

Nagpasalamat naman ang Armed Forces of the Philippines sa pagkilala sa sakripisyo at mahusay na serbisyo ng mga Pilipinong sundalo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us