Pilipinas, ititigil na ang anomang uri ng komunikasyon sa ICC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ititigil na ng Pilipinas ang anomang uri ng komunikasyon sa International Criminal Court (ICC).

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., makaraang hindi pakinggan ng ICC ang apela ng pamahalaan na tigilan na ang imbestigasyon sa umano’y paglabag sa karapatang pantao sa bansa, partikular noong nakaraang administrasyon.

Sa ambush interview sa pangulo sa Pasay City, sinabi ng pangulo na wala nang next move ang Pilipinas sa usaping ito.

Ang naging apela naman kasi aniya ng bansa sa ICC ay bahagi lamang ng komento, ngunit hindi rin naman nakikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC, dahil maituturing aniya itong pag-atake sa soberanya ng bansa.

“We are back to the position, we ended up in the same position that we started with and that is we cannot cooperate with the ICC considering the very serious questions about their jurisdiction and about what we consider to be interference and practically attacks on the sovereignty of the republic. So that pretty much it we have no longer any recourse when it comes to the ICC.” —Pangulong Marcos Jr.

Pagbibigay diin ni Pangulong Marcos, hindi kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksyon ng ICC.

“We have not been involved with the actual action, merely as a comment, we would comment, and the appeal is part of a comment, but we have not appeared as a party in the ICC because we don’t recognize the jurisdiction of the ICC. And so that is again as Isaid we have ended up now at the end where we really started.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us