Binigyang pagkilala ng KMC Solutions, isang leading provider ng flexible office space solutions sa bansa, ang mga natatanging startup company sa Pilipinas sa pagtatapos ng Philippine Startup Week.
Ayon sa KMC, umabot sa higit 200 submissions ang kanilang natanggap para sa taong ito at ilan sa startups ay galing sa iba’t ibang industriya, mula construction, pelikula, science and technology, disaster preparedness, at marami pang iba.
Sa gala night, 30 ang kinilala bilang natatanging starup sa 10 kategorya. Habang naiuwi naman ng Packwords, isang tech company na nakapokus sa pagtulong sa mga maliliit na negosyo tulad ng mga sari-sari store para sa pagsasaayos ng kanilang mga transaksyon, ang itinuring na Startup of the Year habang si Patrick Gentry ng Sprout Solutions, isang HR and Payroll startup, ang tinaguriang Emerging Leader of the Year.
Ayon sa CEO ng KMC Solutions na Michael McCullough, nakikita niya na maganda ang kinabukasan ng mga startup sa Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok ng kinahaharap ng mga ito tulad ng mataas na interest rate. Dagdag ng KMC CEO, dahil sa positibong tingin ng mga investors sa Pilipinas matapos sabihin ng pamahalaan sa mundo na “open for business” na rito, maraming investors ang nagiging interesado mag-invest sa bansa.
Ipinaabot din ni McCullough ang pagbati nito sa para sa mga nanalo at lumahok sa kauna-unahang KMC Startup Awards para sa kanilang passion, creativity at resilience hindi lang bilang pundasyon ng kanilang tagumpay bagkus bagay na tumutulak sa kanila upang iabante pa ang startup community sa Pilipinas.| ulat ni EJ Lazaro