Cameroonian na nagpapanggap bilang French national huli ng BI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Blacklisted na at hindi na papayagang muli pang makapasok ng Pilipinas ang isang Cameroonian national matapos matuklasan ng mga kawani ng Border Control and Enforcement Unit ng Bureau of Immigration (BI) na gumagamit ito ng nakaw na passport.

Ayon sa BI, nagtangkang pumasok ng bansa si Valentine Forkwa Mbanwei, 31 taong gulang, sa Mactan-Cebu International Airport mula sa isang flight ng Singapore Airlines.

Dito sinabing ginamit ni Mbanwei ang isang French passport na ayon sa BCIU ay may hit dahil sa nakaw ito base sa Interpol.

Nang mapag-alaman na nakaw ang pasaporte ay inamin ni Mbanwei ang kanyang totoong pagkakakilanlan at ipinakita ang kanyang Cameroon passport, ngunit hindi na ito pinayagan pang makapasok ng bansa dahil sa mispresentation at kakulangan ng entry visa.

At dahil sa panloloko ni Mbanwei, kasama na ang pangalan nito sa mga blacklisted ng Bureau of Immigration.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us