Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer para sa karampatang sahod na dapat matanggap ng kanilang mga manggagawa ngayong idineklarang regular holiday ang November 27, araw ng Lunes, para sa Bonifacio Day.
Ito ay kasunod na rin ng Proclamation No. 90, Series of 2022 na inilabas ng Malacañan sang-ayon sa holiday economics para mapataas ang domestic travel at mapataas ang tourism expenditure sa bansa resulta ng long weekend.
Ibig sabihin obligado ang mga employer na magbigay ng double pay para sa manggagawa na papasok sa Lunes, mag-o-overtime, at iba pang benepisyo para sa mga manggagawa.
Sang-ayon din sa kaparehas na proklamasyon, ituturing na regular working day naman ang darating na November 30.| ulat ni EJ Lazaro