PCG puspusan ang paghahanap sa nawawalang mangingisda sa Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang puspusan at masusing paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa isang mangingisda sa Oriental Mindoro matapos mapabalitaang nawawala ito noong ika-18 pa ng Nobyembre.

Ayon sa PCG, nagpwesto na ito ng mga aerial at maritime search operation mula Bulalacao hanggang Barangay Semirara upang matunton ang mangingisda na si Ritzie Yap na pumaloot noong November 18 ngunit hindi pa nakakabalik sa kanilang tahanan.

Tulong-tulong na rin sa paghahanap ang pamilya ni Yap, mga lokal na mangingisda at mga Coast Guard Sub-Station mula Bulalacao at Roxas.

Pero sa kabila nito, wala pang ulat na natatanggap ang Coast Guards Stations at Municipal Risk Reduction Management Office ng Bulalacao sa kinaroonan ni Yap.

Sa ngayon, dahil sa masamang panahon at malalakas na alon, pansamantalang itinigil muna ang search and rescue mission at balak uling simulan kapag umayos na ulit ang kondisyon sa dagat.

Ayon sa PCG, ay umabot na sa 42 nautical miles na ang kanilang nasasakop para sa nasabing operasyon.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us