Mga member state na delegado ng 31st APPF, nagkasundong palakasin ang kooperasyon sa rehiyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangungunahan ni Senador Francis Tolentino ang plenary session tungkol sa regional cooperation sa Asia Pacific Region sa ikatlong araw ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF).

Sa naturang sesyon ay tinalakay ang draft resolution ng Australia na nagsusulong ng pangkalahatang pag unlad ng mga bansa sa rehiyon na may kaugnayan sa pagkamit ng sustainable development goal 4 tungkol sa pagtitiyak ng inkusibo at pantay-pantay na de-kalidad na edukasyon.

Isinusulong rin ng resolusyon na ito ang pagtataguyod ng pangmatagalang learning opportunities sa lahat ng bansang kasapi ng APPF.

Ipinupunto nito na nasa 27 million na indibidwal sa rehiyon ang nananatiling illiterate o hindi marunong magbasa dahil sa problema sa accessibility sa edukasyon.

Natalakay rin sa plenary session ang resolusyon ng Pilipinas na nagsasaad ng mga problema sa mahinang health system, limitadong access sa quality at affordable healthcare, epekto ng kalamidad at outbreaks sa vulnerable groups, political resistance, economic considerations at hindi sapat na health workforce capacity. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us