Naging matagumpay ang hosting ng Pilipinas sa 31st annual meeting ng Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) na ginaganap sa PICC sa Pasay City.
Sa press conference bago magsimula ang final plenary ng 31st APPF, binahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pinagtibay ang lahat ng sampung resolusyon na inendorso sa drafting committee.
Ang mga resolusyon na ito ay tungkol sa:
1. pagpapalakas ng kapasidad ng mga parliament sa pagtataguyod ng peace at stability;
2. Korean Peninsula;
3. paglaban sa transnational crimes;
4. muling pagkonsidera sa mga critical infrastructure;
5.paglilinang ng regional cooperation tungkol sa climate action, biodiversity conservation at disaster risk reduction;
6. human capital development at inclusive growth;
7. regional cooperation sa pamamagitan ng education at culture;
8. regional cooperation tungkol sa universal health care sa Asia-Pacific
9. gender and sustainable development goals
10. women’s participation and leadership.
Ang mga resolusyong ito ay inaprubahan na sa plenary ng APPF. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion