Malaysian Navy delegation, dumating sa bansa para sa goodwill visit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating kahapon sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales ang delegasyon ng Royal Malaysian Navy (RMN) sakay ng offshore patrol vessel KD Kedah (FF171) at fast patrol craft KD Todak (3506) para isang goodwill visit.

Ang delegasyon ng RMN ay malugod na sinalubong ng Philippine Navy (PN) delegates sa pangunguna ni Commander Adonie Aromin.

Kasama din sa Welcoming delegation sina Malaysian Defense Attaché Colonel Ahmad Jafri Bin Ahmad Zuliyadai, at Assistant Defense Attaché Lieutenant Commodore Yuzzlaizat Bin Mohammad Yunus.

Ang apat na araw na pagbisita ay katatampukan ng mga pakikipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Navy, kabilang ang courtesy call ni RMN Eastern Fleet Commander, Vice Admiral Dato’ Pahlawan Hj Muhammad Ruzelme, sa liderato ng PN.

Magkakaroon din ng shipboard tour exchange, reciprocal reception, at Passing Exercise (PASSEX).

Layon ng pagbisita ang pagpapatatag ng matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Malaysia para lalong mapalakas ang maritime security and cooperation sa rehiyon.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us