Kasunod ito ng napaulat na malaking bilang pa ng imported na bigas ang hindi dumadating sa bansa.
Ayon kay BPI Director Glenn Panganiban, regular na nirerebyu nila ang mga aplikasyon ng mga importer upang masiguro na nagagamit ito ng tama.
Nagsasagawa na ng review ang Bureau of Plant Industry sa mga inisyu nitong import permit sa bigas.
Pinagpapaliwanag din aniya nila ang mga importer sakali mang mabigo sa kanilang obligasyon.
Una na ring nagbabala si Department of Agriculture (DA) Secretary Kiko Laurel Jr. na kakanselahin ang import clearances kung hindi papasok sa bansa ang mga inangkat na bigas sa loob nang isang buwan.
As of November 16, umabot na sa 2.94 milyong metriko tonelada ang rice imports ng bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa