Bilang ng mga motoristang lumalabag sa EDSA Busway, nabawasan na — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumbinsido ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na naging epektibo ang pinahigpit na polisya nito sa EDSA Busway para mabawasan ang mga pasaway na motorista.

Mula kasi nang ipatupad ang mas malaking multa sa mga hindi awtorisadong dumaan sa bus lane ay malaki na rin ang nabawas sa bilang ng mga nahuhuli at natitiketan.

Sa datos ng MMDA, bumaba na sa 345 ang bilang ng mga motoristang nahuli sa EDSA Busway nitong nakaraang linggo, mula sa 1,262 na nahuli sa unang linggo ng implementasyon nito.

Ayon sa MMDA, indikasyon ito na tama ang desisyon na taasan ang multa sa mga lumalabag sa EDSA Busway.

Nagbunga na rin aniya ang pakikipagpulong ng MMDA sa Philippine National Police (PNP) at Kamara dahil wala na ring mga dumadaan sa Busway na mga pulis na sakay ng kanilang pribadong sasakyan at mga naka-protocol plates.

Ngayong araw, nagpapatuloy ang operasyon ng MMDA sa EDSA Busway kung saan may ilang pribadong sasakyan ang nasita.

Mayroon ding sasakyan ng City Jail at tauhan mula sa isang Security agency ang nagtangkang magpalusot ngunit sa huli ay tiniketan pa rin.

Tina-target ngayon ng MMDA na bumili ng karagdagang mga body cameras para sa pinaigting na operasyon sa lansangan ng Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us