Sen. Villanueva sa kapulisan: Tingnan ang lahat ng posibleng motibo sa kaso ng kidnapping-slay sa isang Filipino-Chinese businessman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Pambansang Pulisya, na suriin ang lahat ng mga posibleng anggulo sa pag-iimbestiga sa kaso ng kidnapping at pamamaslang sa Filipino-Chinese businessman na si Mario Uy.

Iginiit ni Villanueva, na ang mga ganitong insidente ay nakakagawa lang ng takot sa ating mga kababayan.

Kabilang aniya sa mga anggulo na dapat tingnan ng mga otoridad ang posibilidad ng kaugnayan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa naturang kaso.

Ipinunto ng senador, na hanggang noong September 2022 umabot na sa 27 kidnapping cases ang naiulat ng Philippine National Police (PNP).

Sa bilang na ito, 15 ang POGO-related kidnapping, 11 ang kidnap-for-ransom cases, at isa ang casino-related.

Dahil dito, binigyang diin ng senador na dapat manatiling mapagbantay at proactive ang kapulisan sa pagpigil sa kidnapping, lalo na ngayong kahit ang mga dayuhan ay nagiging sangkot na sa ganitong mga krimen. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us