‘Timing’ sa paghahain ng mga resolusyon sa Kamara kaugnay sa imbestigasyon ng ICC, dinipensahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Speaker Martin Romauldez na ‘sense of the House’ ang paghahain ngmga resolusyon na nananawagan sa mga ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Ang tugon ni Romualdez ay kasunod ng pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung saan kinuwestyon nito kung bakit tila nagkasunud-sunod ang paghahain ng resolusyon para sa ICC.

Ani Romualdez, ang mga resolusyong ito ay sentimiyento at hinaing ng mga kongresista.

Magkakaroon din aniya ang Kamara ng tama at sapat na panahon para sa dinggin ang naturang mga resolusyon kung saan mailalatag ang mga argumento ng mga pabor at kontra sa pagsisiyasat ng ICC.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us