LTFRB, tiniyak ang kahandaan sa bantang tuloy-tuloy na transport strike ng Manibela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda pa rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa anumang banta ng tigil pasada na isasagawa ng Jeepney transport groups.

Ito ang inilabas na pahayag ng LTFRB sakaling matuloy ang isa pang transport strike.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Piolago, makikipag-ugnayan ang LTFRB sa mga kinauukulang ahensya at local government units bilang standard operating procedure .

Aniya, muli silang magpapakalat ng mga sasakyang “libreng sakay” para magbigay serbisyo sa maaapektuhang commuters.

Sa kabila nito, hinihimok ng LTFRB ang mga nakikiisa sa welga na huwag hadlangan ang ibang mga jeepney driver na maghanapbuhay.

Ayon naman sa pahayag ng grupong Manibela, marami pa sa kanilang miyembro ang hindi pa bumabalik sa biyahe sa lansangan mula nang ilunsad ang tigil pasada.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us