Pilipinas, back to square one sakaling magdesisyong bumalik sa ICC ayon kay senador bato dela rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magiging ‘back to square one’ ang Pilipinas sa proseso sakaling magdesisyon tayong bumalik sa International Criminal Court (ICC).

Ipinaliwanag ni dela Rosa, na kabilang sa proseso ang pagratipikang muli ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Rome Statute o ang kasunduang magbabalik sa Pilipinas sa ICC.

Matapos nito ay kailangang sang-ayunan ng Senado ang kasunduan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng two-thirds vote mula sa mga senador.

Sinabi ng senador, na sakaling umabot muli sa Mataas na Kapulungan ang naturang kasunduan ay ipipresinta lang niya sa kanyang mga kasamahan ang kanyang posisyon dito pero hindi siya magla-lobby ng laban sa kasunduan.

Nirerespeto kasi aniya ni dela Rosa ang sariling pananaw ng mga senador tungkol sa usapin, kaya hindi na niya kailangang mangampanya laban dito.

Matatandaang kumalas ang Pilipinas sa ICC noong March 2018, at naging epektibo ito noong March 2019 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us