SP Zubiri, iginiit na desisyon ni Pangulong Marcos Jr. kung sasaling muli ang Pilipinas sa ICC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumangging magkomento si Senate President Juan Miguel Zubiri kaugnay ng resolusyong inihain ni Senadora Risa Hontiveros sa Senado na naghihikayat sa Malacañang na makipagtulungan na sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Zubiri, hindi ang Senado ang magdedesisyon kung sasaling muli o hindi ang Pilipinas sa ICC o sa Rome Statute.

Tungkulin at desisyon aniya ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Chief foreign policy maker ng Pilipinas.

Kaya naman, sinabi ni Zubiri na maituturing na lang na ‘noise’ o ingay na lang ang mga usapan kung dapat bang bumalik o hindi ang ating bansa sa International Tribunal.

“Whether to re-enter or to remain out of the jurisdiction of the ICC is not a decision we the Senators make. It is the decision of the President of the Republic being the Chief foreign policy maker of our country. He alone makes that decision and everything else is just noise on whether we should join or not.”

“Therefore I do not want to comment and shall just wait for President BBM to make a decision on that matter.”

Sinang-ayunan naman ni Hontiveros na si Pangulong Marcos Jr. ang Chief architect ng foreign policy ng bansa.

Gayunpaman, binigyang diin ng senadora na ang lenggwahe ng kanyang resolusyon ay pag-uudyok lang sa ehekutibo kaya kinikilala pa rin na sila ang may last touch sa usapin.

Umaasa rin si Hontiveros na bibigyan ng pagkakataon ng mga kapwa niya senador ang isinulong niyang resolusyon.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us