OFW na si Gelienor “Jimmy” Pacheco na pinalaya ng Hamas, nakalabas na ng ospital

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalabas ng ng ospital ang overseas Filipino worker na si Gelienor “Jimmy” Pacheco na pinalaya ng Hamas.

Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr., na-discharge na sa ospital si Pacheco at kasalukuyang nagpapahinga at nagpapalakas.

Humingi rin ng panalangin si Laylo para kay Pacheco para sa agaran nitong paggaling at pagrekober sa kaniyang mga pinagdaanan.

Inihahanda na rin ng Embaha ng Pilipinas sa Israel ang bagong passport ni Pacheco para ito ay makauwi sa bansa bago ang Pasko upang makasama ang kaniyang asawa at tatlong mga anak.

Matatandaang winasak at sinunog ng Hamas ang lahat ng kanilang gamit matapos patayin ang kaniyang inaalagaang matanda noong umatake ito sa Southern Israel noong October 7.

Tiniyak naman ng DMW at OWWA na makatatanggap si Pacheco at kaniyang pamilya ng karagdang tulong kapag ito ay bumalik sa bansa.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us