Marikina LGU at DOST-NCR, inilunsad ang Push4Science campaign

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ngayong araw ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina at Department of Science and Technology-National Capital Region ang Push4Science campaign sa Marikina Community Mall.

Layon ng naturang kampanya na hikayatin ang mga senior high school student na kumuha ng kurso sa larangan ng Science, Techonology, Engineering, at Mathematics (STEM) at bigyan ng oportunidad at resources ang mga mag-aaral upang magtagumpay sa nasabing larangan.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, ang Push4Science campaign ay magsisilbing hakbang para mapabuti ng kakayahan ng mga kabataan sa larangan ng siyensya at teknolohiya na makatutulong sa komunidad.

Itinurn over naman ng DOST-NCR ang VISSER STEM kits sa mga paaralan sa Marikina. Ang naturang mga kit ay makatutulong sa mga mag-aaral na magsagawa ng mga science experience sa larangan ng biology, chemistry, physics, at engineering.

Tatagal ang Push4Science campaign simula ngayong araw hanggang bukas tampok ang iba’t ibang aktibidad gaya ng film screening at training.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us