Pinoproseso na ng pamahalaan ng Saudi ang mga hindi nabayarang sahod ng nasa 10,000 overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho noong 2015 at 2016.
Ito ay matapos na magdeklara ng bankruptcy sa nasabing taon ang Riyadh-based construction firms na kanilang pinapasukan.
Kaugnay nito ay nagbukas naman ng Helpline ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa Saudi OFW claimants.
Ayon sa abiso ng DMW, maaaring mag-email ang mga claimant [email protected] o hindi kaya ay tumawag at mag-message sa kanilang Viber at WhatsApp sa numero bilang 0920-517-1059 para sa kanilang katanungan.
Matatandaang naglaan ng 2 billion Saudi Riyals ang pamahalaan ng Saudi para sa claims ng mga apektadong OFW.| ulat ni Diane Lear