DepEd at Go Negosyo, lumagda sa kasunduan para sa implementasyon ng School Garden Project sa mga pampublikong paaralan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa kasunduan ang Department of Education (DepEd) at Philippine Center for Enrtrepreneurship Foundation, Inc. – Go Negosyo para sa pagtatayo ng School Garden Project na tinawag na Pampaaralang Taniman ng mga Agribida.

Layon ng naturang kasunduan na linangin ang entrepreneurship skills sa sektor ng agrikultura sa mga kabataan.

Dumalo si Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte at Go Negosyo Founder Joey Concepcion sa ceremonial signing.

Sa ilalim ng proyekto, magtatayo ng mga school garden sa mga pampublikong paaralan, na nakatuon sa pagtatanim ng mga gulay at prutas na naaayon sa panahon at lokasyon. Pati na rin ang pagsasagawa ng mga entrepreneurship at agribusiness education sa mga kabataan.

Sa mensahe naman ni VP Sara, sinabi nitong makatutulong ang naturang proyekto sa agribusiness at entrepreneurship curriculum. Sa pamamagitan aniya ng mga real-world na examples at hand-on activities matutulungan ang mga kabataan na mas maintindihan ang mga theoretical concept na itinuturo sa paaralan.

Sa panig naman ni Concepcion, nanawagan ito ng suporta sa publiko para sa susunod na henerasyon ng mga nais magnegosyo.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us