Pagpayag ng National Security Council sa Christmas convoy patungong BRP Sierra Madre, welcome sa mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalak ng mga senador ang desisyon ng National Security Council (NSC) na pahintulutan ang pinaplanong Christmas convoy ng isang pribadong grupo patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Francis Tolentino na ang desisyong ito ay nagpapatunay ng pagtutulungan ng lahat, kasama ang pribadong sektor, para ipakita sa international community na sa Pilipinas ang naturang bahagi ng teritoryo.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ng senador ang Philippine Coast Guard (PCG) na subaybayan ang naturang biyahe para maging maayos ang pagdiriwang ng Pasko.

Si Senadora Risa Hontiveros naman, itinuturing na happy development ang desisyon ng NSC tungkol sa Christmas convoy.

Giniit ni Hontiveros na simula pa lang naman ng paghahanda ng grupo ng iba’t ibang gawain nila ay nakikipag-ugnayan na talaga sila sa PCG na bahagi ng National Task Force on the West Philippine Sea.

Sinabi ni Hontiveros na masaya siya para sa grupong Atin Ito at inaasahan niya ang pagiging matagumpay ng aktibidad na ito.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us