Pinay na si Noralin Babadilla, pinalaya na at nasa ligtas ng kalagayan — Pres. Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malaya na at ligtas ang kababayan nating si Noralin Babadilla na una nang napaulat na hawak ng Hamas group.

Si Babadilla ang pangalawang Pinoy na pinalaya mula sa Gaza at dahil sa nasabing positive development ay lumalabas na accounted na ang lahat ng mga Pilipinong apektado ng giyera sa Israel ayon na rin sa Punong Ehekutibo.

Kaugnay nito’y nagpaabot naman ng pasasalamat ang Pangulo sa Israeli authorities para sa matagumpay na pagkakalaya ni Noralin gayundin sa tulong na ipinagkakaloob nito sa mga Pilipino na nasa kanilang teritoryo.

Kasama rin sa pinasalamatan ng Chief Executive ang Egypt at Estado ng Qatar para sa kanilang mahalagang papel na ipinagkaloob sa mga Pilipino.

Una nang napalaya ng Hamas group ang OFW at kababayan nating si Jimmy Pacheco matapos na ma-hostage ng may 49 na araw. | ulat ni Alvin Baltazar

📸: Jerusalem Post

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us