Ilang kalsada sa Caloocan, isasara bilang paghahanda sa paggunita ng Bonifacio Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng abiso sa mga motorista ang Caloocan City LGU bilang paghahanda sa mga aktibidad na nakalatag sa paggunita nito ng Bonifacio Day sa darating na Huwebes, November 30.

Batay sa traffic advisory nito, simula mamayang alas-11 ng gabi ay isasara na muna sa mga motorista ang Monumento Circle, MacArthur Highway (after Calle Uno), EDSA (after Gen. Simon), EDSA (before B. Serrano), Rizal Avenue (corner 10th Avenue both sides) at Samson Road (before Lapu-Lapu Street).

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista mula sa Rizal Avenue patungong EDSA na kumanan sa 10th Avenue, kaliwa sa B. Serrano at kumanan na pa-EDSA.

Kung magtutungo namang McArthur Highway, maaaring kumaliwa sa 10th Avenue, kumanan sa Heroes de 96, kanan muli sa Samson Road at kaliwa sa University Avenue.

Ang mga magmumula naman sa McArthur patungong Samson Road ay maaaring kumanan sa Reparo Road, kaliwa sa Caimito Road, at kanan sa Samson Road.

Habang ang mga galing ng Samson Road na papuntang MacArthur ay pwedeng kumaliwa sa Caimito Road, kaliwa sa University Avenue at kumanan sa Mango Road.

Ayon sa Caloocan LGU, muling bubuksan ang mga isinaradong daan dakong 11 a.m. ng November 30, 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us