Department of Migrant Workers, hinimok ang Senado na ratipikahan ang International Labor Organization Convention No. 190

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Senado na ratipikahan ang International Labor Organization Convention 2019 No. 190 tungkol sa Violence and Harassment.

Layon nitong mawakasan ang pang-aabuso at karahasan sa trabaho, kabilang na ang usapin sa gender-based violence.

Ayon kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, mahalaga ang naturang ILO para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso at karahasan sa kanilang mga trabaho sa abroad gaya ng psychological, sexual, at economic harm.

Dagdag pa ni Cacdac, ang nasabing ILO ay isang instrumento na kumikilala sa dignidad at kaligtasan ng mga OFW, mapa-contractual status man ito, sector, o occupation.

Sa position paper na isinumite sa Senado, ipinaliwanag ng DMW na ang ratipikasyon sa ILO ay bahagi ng commitment ng ahensya sa pagsusulong ng ligtas ay maayos na trabaho para sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Tiniyak naman ng DMW, na patuloy nitong po-protektahan ang mga OFW sa pamamagitan ng pagbibigay ng training at tulong sa mga nakaranas ng pang-aabuso sa kanilang trabaho. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us