Quezon Rep. Suarez, hinamon ang SMNI na pangalanan ang source ng dokumentong nagsasabing umabot sa P1.8-B ang gastos sa biyahe ni Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinamon ni Quezon Representative David ‘Jayjay’ Suarez ang SMNI, na ilabas ang dokumento na magpapatunay sa pahayag ng isa sa mga host ng programa nito, na umabot nga ng P1.8 billion ang gastos ni Speaker Martin Romualdez sa kaniyang mga biyahe.

Martes nang tumayo si Suarez sa plenaryo para tahasang pabulaanan ang pinalabas ng programa ng SMNI, kasabay ng hiling na imbestigahan ng House Committee on Legislative Franchises ang insidente.

Aniya, nang mapanood ang programa ng naturang network ay agad siyang tumungo sa Finance Department ng Kamara para silipin ang mga dokumento.

“And I immediately went to the finance department of the House of Representatives to find out if this is true and there is no truth to the 1.8 billion pesos it is fake news and it is an absurd lie that they are spreading.” sabi ni Suarez sa panayam ng Radyo Pilipinas

Hamon pa ni Suarez sa mga host ng naturang programa na pangalanan ang source umano nila ng dokumento.

Naniniwala rin ang Quezon solon na kapwa may pananagutan ang programa, mga host nito at ang mismong network sa pinalutang nitong isyu na wala namang katotohanan.

“Well I feel that the network and the host are both accountable. Kasi unang una pinalabas po ito sa show nila. Pangalawa as journalist, responsable sila, dapat bago nila maglabas ng kung anomang news articles o news report it has to be validated…So I think it is only duty bound na we find those both members of the panel in that show and the franchise holder itself accountable.” saad pa ni Suarez | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us